Customs and Traditions


Manila Economic & Cultural Office Information Services

ANO ANG TAIWAN?

Ang Taiwan ay isang pulo, at ang lawak nito ay 36,000 kilometro kuwadrado.

Ang kabundukan ng Taiwan ay nasa mga 2000 metrong taas sa ibabao ng dagat. Ito ay nasa kalagitnaan at naghahati ang Taiwan mula sa hilaga hanggang sa timog. Medyo patag ang lupa sa dakong kanluran at ang karamihan sa mga lungsod ng Taiwan ang narito. Matirik and lupain sa dakong silangan.

Sa tanim, o “crops”, pinakabantog ang palay at tubo. Karamihan sa bigas at sucrose ay iniluluwas o ineexport. Bukod dito’y mayroon pang maraming subtropical na prutas na gaya ng pineapple, saging at oranges at tangerines.

Pagkatapos ng 1960s, pinairal kaagad ng Taiwan ang industriyalisayon o “strategic industrialization”.

Inumpisahan nila ang “export processing zone” at pinapasok nila ang mga puhunang dayuhan para sa pagpapaunlad ng magagaang industriya at industriya ng paghahabi. Pagkaraan ng 1970s, ang “focal point” ng Taiwan ay magpatayo na naman ng mga impraestruktura (infrastructure) kabilang ang mga malalapad na lansangan, perokaril, at paliparan; at pati sa konstruksyon ng industriya ng krudong material na gaya ng bakal at asero, langis, industriyang kemikal, shipbuilding at energia o elektrisidad.

Dahil dito naging mabilis ang pag-unlad ng kabuhayan ng mga Taiwanese. Sa loob ng 10 taon mula noong 1963 hanggang noong 1972, ang “annual growth rate” nila ay umabot ng 10%. Pagpasok ng 1980s, isinaayos na naman ng Taiwan ang estruktura ng industriya, pinalaki nito ang proporsyon ng mga produktong pansiyensiya. Bukod ditto ay inumpisahan nila ang “scientific industrial zone” sa Hsinchu, at ditto nag-umpisa ang progreso ang “high-tech industry”.

Sa ngayon, masasabi natin na ang Taiwan ay isa sa pinaka-abansadong lugar sa electronics at teknologiang pang-inpormasyon o “Information Technology”. Kahanga-hanga rin na kahit nagumpisa sila ng simpleng pamaraan, malayo na ang pinanggalingan nitong hindi gaanong malawak na pulo.

Pinagmulan ng Pangalan ng Taiwan Si Dr. Sun Yat Sen ang nagbigay ng pangalan sa Taiwan noong unang meeting ng Revolutionary alliance na isinaganap sa Tokyo. Ito ay naging opisyal na pangalan ng Taiwan noong 1912 sa Provincial Assembly.

Bilang ng Taon sa Taiwan Ang Taiwan ay nagsimula noong taong 1912. Kaya sa pagbilang ng taon sa Taiwan, 1912 ang ginagamit na basehan bilang pangunahing taon. Halimbawa: Ang 1912 ay ang unang taon ng Taiwan, ang 2008 ay ang ika-96 na taon ng Taiwan.

Pambansang Awit ng Taiwan Ang mga salitang panghikayat ni Dr. Sun Yat Sen sa opening ceremony ng Whampo Military Academy noong June 16, 1924 ay ginawang lyrics para sa Pambansang Awit ng Taiwan. Ang mga panghihikayat na ito ay napiling maging opisyal na awit ng Kuomintang (KMT) sa 1928. Isang-daan mahigit na composer ang nagsumete ng kanilang mga piyesa para sa musika ng pambansang awit. Ang napiling piyesa ay ang gawa ni Cheng Mao-yun.

Ang nilalaman ng kanta ay ang tatlong prinsipiyo – maging matapang, matapat at patuloy na magpunyagi sa pagtupad sa mga layunin ng bansa.

Ang piyesang ito ay nagkamit ng titulong “Best national Anthem” noong 1936 sa Berlin Olympics.